Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon
INAALALA ngayon sa Estados Unidos ang mass shooting sa 20 mga grade-schoolers at ilang mga guro sa Sandy Hook Elementary School, 10 taon na ang nakararaan. Ang nakagigimbal dito, patuloy pa rin ang insidente ng mga mass shooting sa Amerika. Noong Disyembre taong 2012, 20 mga bata na mga 1st graders at 6 na empleyado ng paaralan ang brutal na pinagpapatay ng isang mass shooter sa Sandy Hook Elementary School sa Connecticut. Ang insidenteng hindi mawari noon, ay karaniwan na lang ngayon sa Amerika . 10 taon na ang nakalilipas, isang binatilyo ang pumasok sa Sandy Hook Elementary School sa Newtown, Connecticut, dala ang AR-15 na baril at walang awang pinatay ang 20 mga 1st graders pati na rin ang anim na kawani ng paaralan. Pagkaraan ng isang dekada, ang karahasan ng baril ay naging pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kabataan sa Estados Unidos. Mas mataas ang bilang ng karahasan sa baril sa mga bata sa Amerika kung ikukumpara sa iba pang progresibong mga bansa. Sa isang remem...